Letran umeskapo sa Mapua | Pilipino Star Ngayon


MANILA, Philippines — Gumarote sa opensa si Gia Marcel Maquilang kahit pasok na sa Final Four at pagsilo ng twice-to-beat incentive.

Inakay ni Maquilang ang Letran sa 34-36, 25-18, 25-17, 25-22 panalo kontra Mapua University sa NCAA Season 100 women’s volleyball tournament na nilaro sa FilOil EcoOil Centre, kahapon.

Bumira si Maquilang ng 22 points mula sa 19 attacks, dalawang blocks at isang service upang tulungan ang Lady Knights na tuhugin ang 15-3 karta at puwestuhan ang No. 2 spot sa team standings.

Nag-ambag naman sina Marie Judiel Nitura at Sheena Vanessa Sarie ng tig-15 points para sa Letran na haharapin sa semifinals ang Arellano University.

Isang panalo lang ang kailangan ng Lady Knights at uusad na sila sa championship round.

Nalasap ng Lady Cardinals ang pang-pitong talo sa 18 laro pero nanatili sila sa pang-apat na puwesto kaya papalo pa rin sila ng bola sa susunod na phase.

Makakalaban ng Mapua sa semis ang No. 1 at defending champion College of Saint Benilde (15-2), dalawang beses kailangan talunin ng una ang huli.

Samantala, nagwagi sa unang laro ng women’s division ang Letran kontra Mapua University, 34-36, 25-18, 25-17, 25-22.