Marian, naghahanap ng sasayaw na mula sa puso


Umiinit na ang dance floor ng GMA Network sa kanilang pinakabagong Filipino reality dance competition, ang Stars on the Floor na malapit nang mag-umpisa.

Nakatakda nga itong mag-premiere sa Hunyo 28 kung saan pinagsasama-sama ng palabas ang ilan sa mga pangalan na kilala sa husay sa pagsayaw at entertainment para mabuo ang The Dance Authority– ang panel na huhusga sa mga celebrity at digital dance star contestants.

 Officially announced last May 23, The Dance Authority ay binubuo nina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, Star Comedienne of the Dance Floor Pokwang, and Dance Trend Master Coach Jay Joseph.

Nangunguna sa panel si Marian, na hindi lang ang kanyang star power ang bitbit kundi ang kanyang malalim na pagmamahal sa pagsayaw. Para kay Marian, lahat ng ito ay tungkol sa emosyon sa likod ng bawat galaw. Naghahanap siya ng mga performer na sumasayaw mula sa puso at makakakonekta sa manonood.

Kasama niya si Pokwang, na nagsimula ang career bilang isang professional dancer and choreographer bago gumawa ng kanyang marka bilang isang komedyante. Para naman kay Pokwang, ang isang mahusay na pagganap ay isang bagay na nagpapangiti at nagpapagaan sa pakiramdam ng mga tao.

Completing the trio is Coach Jay Joseph, the choreographer behind the viral dance hits of the popular P-pop group SB19. Bibigyang-pansin ni Coach Jay ang mga detalye ng performance—gaano kalinis ang mga galaw, kung bago ang choreography, at kung gaano kahusay kumilos ang mga mananayaw bilang isang duo.

Si Alden Richards ang magiging host ng Stars on the Floor.