Mayor Vico, pinu-push kay Catriona!


Kaloka naman na ang dami raw agad shippers nina Pasig City Mayor Vico Sotto at Miss Universe 2018 Catriona Gray dahil lang nag-follow sila sa isa’t isa.

Bagay na bagay raw ang dalawa at mukhang ang ex-beauty queen na ang hinahanap ng anak nina Bossing Vic Sotto at Coney Reyes na ka-wavelength niya.

Epitome of class si Catriona at mabubusog nga naman ang lahat dahil parehong magaling magsalita ang dalawa ‘pag naging sila.

Habang ang iba naman ay panay ang say na baka may proyekto ang Pasig kasama si Catriona.

Ang advance namang mag-isip ng followers nila dahil kapag ito raw ang naging First Lady ay siguradong kikiligin daw ang mga bading at magiging Loveteam of the Century ang dalawa kapag nagkataon.

‘Katawa talaga ang excitement ng mga marites.

Pero ang mas nakakapagtaka, paano nga ba nalalaman iyan ng mga marites?

‘Kaloka sila.

‘Ka Tunying at Rossel, ‘di talaga nakakalimot

Alam n’yo ba na isa yata sa hindi ko malilimutang tao sina Ka Tunying at Rossel Taberna.

Buong pagkakasakit ko hanggang ngayon tuluy-tuloy ang bigay nila ng comfort food ko na champorado at macaroni soup.

At laging nakakaalala ‘pag may mga okasyon.

So sweet talaga ng Taberna couple at talagang tatanawin kong utang na loob forever. Kahit hindi kami nagkikita, o nag-uusap gusto kong malaman nila how grateful I am sa maganda nilang kalooban.

Bongga.