What Hafen Vella guy, aarte na sa riles


MANILA, Philippines — Pasok na sa GMA series na Mga Batang Riles ang viral What Hafen Vella guy na si Christopher Diwata na look-alike ng Hollywood actor na si Taylor Lautner.

Napanood namin si Christopher sa plug ng guesting niya na may dialogue pang “Why are you fighting me, guys?” patungkol sa Riles Boys na sina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos at Raheel Bhyria.

Eh dahil sa pagiging viral ni Christopher, hayun at meron na siyang bagong kotse dahil sa brand deals na kumuha sa kanya.

Sa interview sa kanya, isa siyang mangi­ngisda na aminadong hirap din sa buhay. Harinawang makatulong ang pagiging viral sensation niya upang guminhawa ang kanilang buhay.