Alden at mayor Vico, magkaribal kay Catriona!


MANILA, Philippines — Nakakatuwa ang netizens, pinalalabas pang magiging magkaribal sina Pasig City Mayor Vico Sotto at Alden Richards kay Catriona Gray. Dahil ito sa balitang pagfo-follow nila sa isa’t isa sa Instagram (IG). Kahit sabihin pang may collab project sila kaya nag-follow sa IG, marami pa rin ang kinilig.

Looking forward na ang netizens kapag nagkita nang personal sina Catriona at Vico at hindi pa man nangyayari, marami na ang nagwi-wish na makunan ng videos o kaya’y photos.

As for Alden, magkasama sila ng former Miss Universe sa The Scar Project campaign by Belo Medical Group. Sila ni Alden ang magkatulong sa pagpapalaganap ng campaign at may nakaisip agad na puwede silang magkasama sa project.

May mga comment na natuwa na nagsama ang dream niyang maging sila at may mga nag-agree. Sabi naman ng isa pa, Catriona and Alden look good together, bagay sila at i-request daw nila na sila ay magka-project.

Kaya lang, parang nauna na ang Catriona at Vico at may mga makulit na sinasabihan si Vico na ligawan na ang ex ni Sam Milby bago pa siya maunahan ng iba. May nagpauna na nga na bagay maging First Lady ng Pasig City si Catriona at kahit First Lady ng bansa, ‘yun naman ay kung tatakbong presidente ang binatang pulitiko nina Vic Sotto at Coney Reyes.

Cristine at Marco, burado na ang isa’t isa!

Mga kapatid nina Cristine Reyes at Marco Gumabao ang tinatanong sa estado ng relasyon ng dalawa, pero walang nakuhang sagot ang Fast Talk with Boy Abunda  kina Ara Mina at Michele Gumabao, sister nina Cristine at Marco respectively.

Hindi na rin nagsalita ang dalawa kung sila pa o kung totoo ang tsika na break na sila. Basta, kanila na lang dinelete sa kani-kanyang Instagram page ang photos nila. Tawag ng netizens, low-key announcement daw ‘yun na wala na sila at hindi na nila kailangang i-announce pa.

Hindi kami regular na nagtsi-check sa IG nina Cristine at Marco at hindi namin alam kung sila ang tipo ng couple na mahilig mag-post ng photos sa mga happening nila as a couple.

Basta ang napansin namin, wala ngang picture ni Cristine sa IG ni Marco at ganu’n din sa IG ni Cristine, walang photo ang natalong actor noong nakaraang election.

Maganda ang pananahimik nila sa kanilang lovelife, walang isyu at walang mga maling haka-haka. Pinag-iisip na lang nila ang netizens na ang iba, masyadong invested sa kanilang relasyon.