Hanggang kahapon ay number one trending pa rin talaga ang hashtag na #PBBCollabHarapangNomi ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab na kung saan harap-harapang ibinoto ng housemates kung sino ang gusto nilang ma-nominate na posibleng ma-evict sa Bahay ni Kuya.
Hindi maiwasang may nasasaktan sa mga sinabi ng kapwa housemates, pero ang mas matindi ang reaksyon ng supporters na patuloy na sumusubaybay sa kanilang paboritong housemate.
Irita ang supporters ng duo na ShuKla nina Shuvee Etrata at Klarisse de Guzman dahil sa boto nina AZ Martinez at River Joseph, napasama sila sa mga nominado.
May mga nagpo-post pa sa X na huwag kumain ang duo na AzVer nina AZ at River ng luto ni Klarisse.
Ang AzVer ang nakakuha ng pinakamaraming boto na nominado sa mae-evict. Sumunod ang duo na DustBia nina Dustin Yu at Bianca de Vera at ang pangatlong nominado ay ang duo na ShuKla nina Shuvee at Klarisse.
Marami ang nanghuhula na nanganganib ang ShuKla dahil kulang sila sa suporta ng fans na talagang gumagastos para ma-save. Pero tingnan natin dahil meron diyang naghihintay lang sa huling minuto ng botohan, saka sila bubuhos ng kadatungan para bumoto.
Sa nakaraang media conference ng Encantadia Chronicles: Sang’gre ay nakatsikahan namin si Vince Maristela na isa rin sa evicted housemates.
Bago pala siya pumasok sa Bahay ni Kuya ay natapos na ni Vince ang taping niya sa Sang’gre.
Aware siya na marami ang naangasan sa kanya nung kapapasok pa lamang niya ng PBB house. Paglabas niya ay nabasa niya ang mga bashing, at hindi naman daw siya apektado, dahil nakabawi naman siya.
Ang nasaktan lang daw siya ay nang akusahan siyang galit sa bakla.
Wala naman daw siyang naaalalang may nasabi siyang anti-gay. Close pa nga raw sila ni Esnyr. “Suporta nga ako sa LGBTQ e. Para sa akin, nakakagulat lang din talaga na parang iba talaga ang nagta-translate,” napangiti niyang pahayag.
Isa pa sa inurirat namin kay Vince ay ang camera sa bathroom nila. Hindi ba sila naaasiwa na merong camera sa loob ng CR?
“Nakita naman namin ‘yung camera. Nung una nahirapan lang din talaga ako mag-adjust. Lahat naman kami e pinagdaanan ‘yun e. So, para sa akin, okay lang.
“Ano lang din, strategy lang din talaga. Angle-angle lang,” natatawa niyang pakli.
Curious pa kami kung paano niya na-handle ang init ng katawan.
Siyempre mga bagets pa sila, mapusok. Paano kung isang gabi ay nag-init sila at gustong paligayahin ang sarili. Nagawa kaya nila ‘yun sa loob ng Bahay Ni Kuya? “Mahilig lang talaga kami mag-workout. Dun lang namin nilalabas. Kita n’yo na ‘yung laging nagwo-workout. ‘Yun ‘yung sikreto na pantanggal ng stress,” natatawa niyang pakli.
Sa mga nakaraang season ng PBB ay meron talagang nakalusot, at ang iba ay nagpaalam pa.
May ilan kasing nakunan sa PBB na hindi na ipinapalabas. May ilang sikreto na hindi na napapanood. “Wala naman po akong alam na may nagpaalam. Ewan ko lang po sa kanila. Siguro sa takdang panahon,” makahulugang sagot sa amin ni Vince Maristela.
Indie actor Miko Gallardo, nabiktima raw ng blackmail at extortion!
Marami ang nabahala sa mga ipino-post ng indie actor na si Miko Gallardo tungkol sa pinagdaraanan niya ngayon.
Nakilala itong si Miko sa BL movies at napag-usapan ‘yan noon na meron siyang kumalat na sex video.
Last week pa ay may mga post na siya sa Facebook na tila nagpapaalam na ito.
Marami ang nag-alala sa kanya dahil tila may mabigat itong dinadala. Kaya inalalayan ito ng kanyang management team at ilang taong malapit sa kanya.
Pero kamakalawa lang ay nag-upload ito sa kanyang YouTube channel na may pamagat na My Final Message.
Tila nagpapaalam na ito, na ang sabi niya, kung hindi mabigay sa kanya ang kalayaan, maaaring tatapusin na lang niya ang lahat.
Bahagi ng kanyang mensahe sa isang taong hindi niya binanggit ang pangalan, “I just want this to go and end smoothly with peace.
“I want my freedom.
“I am begging for things to end.
“Ten years of these blackmail and threats and extortion, I am done.”
Tila may kinatatakutan ito na kung hindi raw maibigay ang hinihingi niyang kalayaan ay maaaring tapusin na niya ang kanyang buhay.
Kahapon ay naglabas ng statement ang Oxin Entertainment Production kaugnay rito sa pinagdaanan ni Miko.
Aniya, “It has come to our attention that Miko Gallardo recently shared a video on YouTube detailing years of suffering from alleged harassment, sexual abuse, extortion, and blackmail at the hands of a certain individual.
“Mr. Gallardo has reached out to us for assistance, and we are actively working to coordinate with him regarding these very serious concerns, which are significantly impacting his mental health and overall well-being.
“We want to assure everyone that we are taking this matter with the utmost seriousness and will be coordinating closely with the appropriate authorities to address these allegations.
“We appreciate your understanding and concern during this sensitive time.”
