Beermen itinagay ang semis berth


MANILA, Philippines —  May bago nang tatanghaling kampeon sa PBA Season 49 Philippine Cup.

Ito ay matapos sibakin ng No. 1 San Miguel ang dating hari a No. 8 Meralco, 108-97, sa kanilang quar­ter­­finals match kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Humakot si eight-time PBA MVP June Mar Fajar­do ng 21 points, 15 rebounds at 4 blocks, habang may tig-19 markers sina Juami Tiongson at Don Trollano sa pagpasok ng Beermen sa best-of-seven semifinals series.

“It’s all about pride because we know na in the last all-Filipino, Meralco beat us. We redeemed our­selves from that loss,” ani coach Leo Austria.

Bigo ang Bolts na mai­depensa ang kanilang ko­ronang napanalunan no­ong Season 48.

Ang mananalo sa quarterfinal game ng No. 4 Ba­rangay Ginebra at No. 5 Converge ang lalabanan ng SMB sa semis.

Itinayo ng Beermen ang 35-20 abante sa first period bago nakalapit ang Bolts sa 75-77 sa huling 1:27 minuto ng third quarter.

Muling nakalayo ang San Miguel sa 100-82 sa 6:12 minuto ng final canto patungo sa 106-90 pagba­on sa Meralco sa huling 1:10 minuto.

Samantala, pag-aagawan ng No. 2 NLEX at No. 7 Rain or Shine ang semis ticket ngayong alas-7:30 ng gabi sa Malate venue.

Ang semis berth din ang paglalabanan ng No. 3 Magnolia at No. 6 TNT Tropang 5G sa alas-5 ng hapon.

Tinalo ng Elasto Pain­ters ang Road Warriors, 92-89, habang tinakasan ng Tropang 5G ang Hotshots, 89-88, noong Miyerkules.

Parehong may ‘twice-to-beat’ bonus ang NLEX at Magnolia.