Alex, mas gusto na lang mag-travel


Wow may 13 million followers na pala si Alex Gonzaga sa Instagram.

Ang lakas nga sa social media ni Alex na lately ay panay ang travel at talagang ini-enjoy lang ang mga ginagawa.

Nauna na niyang sinabi na hindi na sila nagpapa-pressure ng mister niyang si Vice Mayor Mikee Morada na magka-baby.

Like last week ay nag-post siya ng bakasyon nila sa Vancouver kung saan nga, hindi raw siya nag-vlog at in-enjoy lang nila ang nasabing bakasyon.

“I didnt vlog and take enough pictures but we reall­y enjoyed our time here! Talagang inenjoy lang namin mag-asawa ang pahinga at bakasyon dito kasama ang aking mga in laws. Ang sarap magstay nang mas matagal! Next time ulit, promise we will come back.,” aniya sa caption kalakip ang photos nila sa Canada.