‘Kaloka na humahagulgol daw si Matet de Leon habang nagla-live selling dahil sa bashers.
Hindi talaga pinalagpas ng mga basher niya na pati sa kanyang live selling ay pinuntirya siya at kung anu-anong hindi maganda ang sinabi sa anak ni Nora Aunor.
Makikitang hirap si Matet na pigilan ang emosyon at magang-maga na rin ang mata niya habang sinusubukang ibenta ang mga produktong pagkain gaya ng de lata, pancake at iba pa.
Halatang nasasaktan si Matet sa pinagsasabi ng mga basher dahil dinamay pa ng mga ito si Ate Guy.
Sinisisi pa nila ang kapatid ni Lotlot de Leon sa pagkamatay ni Ate Guy dahil sa diumano’y samaan ng loob ng mag-ina noon.
Nakakaloka.
Sa kumalat na bahagi nga ng TikTok video ay mababasa na suplada raw ito kaya iniwan ni Ate Guy.
Sobrang walang puso ng mga basher niya para idamay pa ang pumanaw na National Artist.
At hindi ba naiisip ng mga ito na nagluluksa pa ang pamilya ni Ate Guy sa kasalukuyan.
Nakakaawa si Matet na naghahanapbuhay lang pero masasakit pa na salita ang natatanggap niya.
Tinanong pa siya na bakit daw ito nagbebenta dahil ba raw wala na itong project.
Ano naman ang masama kung mag-live selling siya?
Na sa totoo lang daw ay malaki ang kinikita ni Matet sa pagtitinda sa TikTok kaya talagang kinakarir na nito ang live selling.
Sa totoo lang nakakabilib nga ang mga gaya ni Matet na hindi nahihiyang kumayod kaya dapat ay hindi siya paapekto sa mga basher na may oras sa pang-ookray ng kapwa tao.
Gow lang Matet… magpayaman ka sa pagtitinda sa TikTok.
