Gregorio mamumuno sa General Assembly


MANILA, Philippines — Ang anumang hinaing o rekomendasyon ang gustong marinig ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Patrick ‘Pato’ Gregorio sa idaraos na General Assembly ngayong hapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Inimbitahan ni Gregorio sa okasyon ang mga national athletes, coaches at mga National Sports Associations (NSAs) at Philippine Olympic Committee (POC) officials.

“Ang gusto ko po ma-record at marinig na ng opis­yal kung ano po iyong kanilang mga suliranin, ano ang ka­nilang mga issues, ano ang kanilang mga ideas, so we can all put it altogether,” sabi ni Gregorio. “Let’s all put it together para ang atake ng solusyon eh, malawak na ka­agad at hindi na po iyong paisa-isa.”

Gusto ng dating rowing associaiton president na ma­pabilis ang lahat ng proseso sa PSC.

Ito ay dahil na rin sa preparasyon ng mga atleta pa­­ra sa darating na 33rd Southeast Asian Games na na­­katakda sa Disyembre sa Thailand.

“Para po wala nang distractions, lalo na iyong mga ad­ministrative process. Kung ano iyong mga accounting process, alisin na po natin iyan para maka-focus na tayo sa training dahil padating na po ang Southeast Asian Games,” wika ni Gregorio.

“We have to make sure that everybody is focused, everybody will work as one team para mapabilis po ito. We have no time na eh, kasi July na at kailangan po dahil ang SEA Games sa December na,” dagdag pa ng PSC head.