Matapos matalo sa eleksyon, Willie pinagkakalat na makaka-back to back ng EB?!


May lumalabas ngayon na artcard tungkol sa pagbabalik daw ng Wowowin ni Willie Revillame. Hindi official announcement,  mukhang gawa lang ng isang blogger o fan.

Nakasaad kasi roon ang pag-back to back ng Wowowin at Eat Bulaga sa tanghali na tatapat sa It’s Showtime. “Hihigpit lalo ang labanan sa noontime?” ang nakasulat sa artcard.

Bago pa nag-eleksyon ay sinabi na raw ni Sir Manny V. Pangilinan na manalo o matalo si Willie ay may plano pa rin daw sila sa naturang TV host.

Kaya posibleng totoo nga itong pagbabalik ng Wowowin. Aalamin pa natin kung ibabangga nga ba ito sa It’s Showtime na napapanood sa GMA 7.

Bumababa pa naman ngayon ang viewing level sa afternoon slot, kaya panibagong challenge na naman ito sa It’s Showtime kung ang Wowowin at Eat Bulaga na nga ba ang babanggain nila.

Ang maganda lang dito, mas mapapakinabangan ito ng mga manonood.

Abangan na lang natin!

Anak ni Dulce, hindi kayang banggitin ang kanyang pangalan

Pagkatapos ng first night na Wagi concert ni Dulce noong nakaraang Biyernes, may emote agad sa Instagram ang anak niyang si David Ezra.

Nag-post ito na tila reaksyon sa isyu nila ng inang si Dulce.

Na-open kasi sa concert ang pinagdaanan nilang mag-ina at nabanggit pa ni Dulce na na-miss niya ang anak na lalaki. Obvious namang si David ang tinutukoy nito dahil may mga nakaalam na meron talaga silang problema.

Maaaring may nag-comment na wala siya roon sa concert, at nakara­ting ito sa kanya.

Sabi ni David sa kanyang IG story, “Just to be clear, I would’ve attended if I was invited. Panget ng nabasa ko na ‘the son didn’t show up.’ Unfair yun. Kala ko din okay na. Hindi pala. Bakit ako pupunta sa hindi ka imbitado lalo na alam mong may mga nakapaligid na ayaw ka naman pumunta doon? Unfair.

“Oh well. That’s life. Showbiz (laugh emoji)  Basta sakin wala kayo maririnig na masama. That’s not my style. My father raised me well (heart emoji) . God bless you and congratulations! (smile emoji).”

Halatang may kinikimkim na galit itong anak ni Dulce dahil sa isa pa niyang IG post sinabi nitong: “Ayoko talaga ng showbiz. Nakakagago. Nagkataon lang dito din ako napadpad. Kahit anong pananahimik na ginagawa mo hahanapin ka padin ng kaguluhan. Such is life.”

Ang lala pa ng kasunod niyang sinabi tungkol sa kanyang trabaho bilang isang artista. “Minsan naisip ko sana siguro di nalang ako natutong kumanta para ‘di ako gumagalaw sa mundo na ginagalawan din nya. Para di nako nadadamay kahit tahimik lang ako. Nag-effort pa ako nyan ha. Akala ko okay na. Pero ganun talaga. Buti na lang mejo tumanda nadin ako marunong nako mag navigate. Pero oo, masakit. Di ko dedeny yun. Last na to oks na.”

May mensahe rin si David Ezra sa media na sumusubaybay ng kuwento nilang mag-ina. “Sa mga friends ko na publicists also I hope you read this para maintindihan nyo din bakit wala ako doon. Nakitungo din ako sa inyo ng maganda. The least you could do is wag nyo naman ako isulat na ang sama ko. Thank you.”

Nung huling check namin sa IG account ni David Ezra, na-take down na ang post na ‘yun.

Nairaos ni Dulce ang pangalawang Wagi concert sa BGC Arts Center noong Sabado.

Mas maraming tao at ang pagkakaalam namin ay may kasunod pa siyang gagawin na kung hindi kami nagkamali ay isang musical play ito.

Hindi maitatangging may problema talaga sila, lalo na dun sa linyahan niyang “father raised me well.”