Nagbulungan at naghintayan daw sina Alden Richards at Julia Barretto sa 8th EDDYS noong Linggo ng gabi.
Nagkalat kasi ang video nila na nagbubulungan at pag-alis ni Julia ay inihatid din siya ng actor.
Parehong tumanggap ng Box Office Hero Award sina Alden and Julia. Si Alden para sa pelikulang Hello, Love, Again at si Julia ay para sa reunion movie nila ni Joshua Garcia na Un/Happy For You.
Binigyan agad ‘yun ng ibang interpretation ng netizens nang mapanood nila ang ilang video na kuha sa star-studded na 8th EDDYS na ginanap sa Marriott Grand Ballroon noong nakaraang Linggo.
Well, ano naman kayang masama kung nagbulungan sila at nagpaka-gentleman si Alden.
Anyway, ang ganda ni Julia that night. One of the best dresses sa 8th EDDYS na magkakaroon ng delayed telecast sa Linggo, July 27, 10:30 p.m. sa Kapamilya Channel, Jeepney TV at iWant.
