Mukhang matagal-tagal na ring walang komunikasyon ang (dating) magkasintahang Ruffa Gutierrez at actor-pulitiko nitong karelasyon dahil bukas na naman ang komunikasyon ng only daughter ng mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama sa dati nitong mister, ang Turkish businessman na si Yilmaz Bektas, na siyang ama ng dalawa niyang grown-up daughters na sina Lorin at Venice.
Nangangamoy balikan kaya ang dating mag-asawang Ruffa at Yilmaz?
Ella V. ng Hot Babes, sobrang yaman na sa Amerika
Milyonarya na ang dating Viva Hot Babes member na si Ella V. (for Villanueva) na may 17 years nang naka-base sa North Tustin, Orange County, California, USA kasama ang kanyang physician husband na si Shane Manalang and four beautiful kids.
Hindi ikinakaila ni Ella V. na hindi naging madali sa kanya ang lahat sa Amerika. Katunayan, nagtrabaho siyang caregiver bago niya natutunan ang pag-o-operate ng care home hanggang maging anim na ito.
Thankful siya sa kanyang husband, isang Filipino-American maging ang kanyang in-laws sa pagiging supportive ng mga ito sa kanya nung siya’y nagsisimula pa lamang sa Amerika.
Sa kanyang pamamalagi sa ibang bansa ay na-petition niya ang kanyang parents maging ang kanyang nakababatang kapatid habang ang dalawa pa niyang mga kapatid ay narito sa Pilipinas na ang isa, si Paula Villanueva ay kanyang business partner sa itinayong Aura Wellness & Spa, a sanctuary for self-care and inner healing with holistic vibe na matatagpuan sa Pinnacle Plaza along Marcos Highway, Cainta, Rizal.
Bago pinasok ni Ella V. ang kanyang bagong skincare business ay nag-aral muna siya sa America ng pagiging isang Aesthetician.
It was only last Sunday, July 20, 2025, nang pasinayanan ang Aura Wellness & Spa kung saan dumalo ang iba sa kanyang mga dating kasamahan sa Viva Hot Babes na sina Andrea del Rosario, Katya Santos, Maui Taylor, Sheree, Zara Lopez at Jaycee Parker bitbit ang kanyang stepson na si Hubert Granada Aguas, anak ng yumaong singer-actress na si Isabel Granada at dati nitong mister na si Geryk Genasky Aguas.
Si Jaycee ay isa na ring konsehal ng Angeles City, Pampanga habang si Andrea ay dating nanungkulang vice mayor ng Calatagan, Batangas.
May plano si Ella V. na mag-produce ng isang proyekto na parang reunion ng Viva Hot Babes which they plan to tie up with Viva.
Bumalik na siya ng Amerika last Tuesday kasama ang kanyang pamilya pero nakatakda siyang bumalik ng Pilipinas next month.
Anak ni Zara Lopez, damay sa away nila ng ex
Ang buong akala ng marami na ayos na ang relasyon ng dating Viva Hot Babes member-turned TikTok star na si Zara Lopez at dating partner nitong TikToker din na si Simon Javier for the sake of their two-year-old daughter na si Sapphire Love Javier.
Pero napag-alaman namin na mukhang may problema na naman ang dalawa at hindi (muna) ipinapahiram ni Zara ang kanilang anak sa ama nito.
Karay-karay parati ni Zara ang kanyang anak kay Simon kahit saan siya magpunta. Habang hirap na hirap naman si Simon na mag-reach out kay Zara.
It was in January 2024 nang magkahiwalay sina Zara at Simon at matagal-tagal na ring hindi nakikita ni Simon ang kanilang anak na si Sapphire Love.
Sana lamang ay huwag idamay ng dalawa sa kanilang problema ang kanilang anak dahil inosente ang bata.
