LJ Reyes, Inilihim ang pagbisita sa Pilipinas


MANILA, Philippines — Dumating pala sa Pilipinas si LJ Reyes at nalaman ito dahil sa post niya sa Instagram na pumunta siya sa isang Spa & Aesthetic center sa Rockwell. Walang nakaalam na dumating siya at hindi rin nabalita.

April 22 this year ang nakalagay na date ng post ni LJ, hindi lang natin alam kung pinost niya ‘yun noong nakabalik na siya ng Amerika. By this time, wala na siya sa Pilipinas at nakabalik na sa pamilya niya sa Amerika.

Interesado tayong lahat malaman kung kasama ba ni LJ  na bumisita ng bansa ang mga anak na sina Aki at Summer.

Hindi rin siguro nakipagkita si LJ sa mga kaibigan niya o kung nakipagkita man, pinakiusapan na ‘wag nang i-post. Wala rin siyang sinagot na tanong pati sa mga taga-showbis kaya walang alam sa pag-uwi niya ng bansa.

Natawa lang kami sa tanong ng isang fan kung boto raw ba si LJ kay Kim Chiu para kay Paulo Avelino? Ano kaya ang naging reaksyon ni LJ nang mabasa ang tanong na ‘yun?

Nalaman lang namin ang pag-uwi ng bansa ni LJ dahil sa YouTube channel ni Yen Santos. In-expect namin na may netizen na ipapaalam ‘yun  kay LJ, so far, wala pa namang nagbalita sa kanya tungkol dito just to get her reaction.

Marian, ruMampa sa Singapore

Lumipad pala pa-Singapore si Marian Rivera para sa Bulgari High Jewelry Trunk Show event. Kasama ni Marian si Anton San Diego na sa caption, nabanggit na ang Bulgari PH ang nag-imbita sa kanya.

Wala pang masyadong post si Marian sa dinaluhang event at photos pa lang sa kanyang IG story ang pinost. Natutuwa ang fans nito na tinatanggap na ni Marian ang mga ganitong imbitasyon at sa labas pa ng bansa. Ang alam ng fans, may mga nauna nang imbitasyon ng mga ganitong event sa aktres, hindi lang niya tinatanggap.

Samantala, kahit ilang araw na ang nakalipas, marami pa rin ang nagko-congratulate kay Marian sa pagkakapanalong best actress sa 8th Eddys para sa pelikulang Balota.  Iyon nga lang, hinihingian siya ng kasunod na pelikula na kagaya sa Balota, something na may social relevant at aantig sa puso at isipan ng mga tao.

Still on Marian, isa rin siya sa Kapuso stars na inaabangan ang gown na isusuot sa GMA Gala sa August 2. Laging pasabog ang suot niya at alam ng fans na hindi pakakabog ang kanyang glam team sa pag-aayos sa kanya mula sa gown, jewelry na suot, shoes at bag.

Bong, abala sa relief

operation ni Lani

Pinost ni Bong Revilla ang reels ng asawang si 2nd district Cavite Representative Lani Mercado-Revilla na  relief goods na ipa-pack nila para i-distribute sa mga naapektuhan ng bagyong Crising ng Bacoor, Cavite.

Makikita sa video ang sako-sakong bigas, karton-karton bottled water at may binanggit si Lani na mga de lata at iba pang kailangan ng mga naapektuhan. Sabi nito, sa araw lang na ‘yun, 4K packs ang kaya nilang ihanda para ma-i-distribute.

Pinasalamatan ni Lani sina Bong, at mga anak na sina Bryan, Jolo at Ram Revilla na nagtulung-tulong para ipambili ng iimpakeng relief goods.

Hindi lang sa material goods ang tulong nina Lani. Nagpaalala rin ito sa lahat na mag-iingat sa leptospirosis dahil marami ang nagkakasakit tuwing tag-ulan at may baha. Nagpaalala si Lani na ‘wag basta susugod sa baha para makaiwas sa nasabing sakit.