Coach La | Pilipino Star Ngayon


Mukhang the end na ng playing career ni LA Tenorio sa PBA ang kanyang appointment bilang head coach ng Magnolia Hotshots.

Lumabas ang announcement nung Lunes na si LA na ang bagong Magnolia coach. Pwede naman siya gawin playing-coach. Pero bomalabs na ‘yun.

Papalitan niya si Chito Victolero, na matagal din hinawakan ang team at nag-champion sa 2018 Governors’ Cup. Pero after that, inalat ang team. Naka-tatlong finals, olats lahat.

Ang masakit pa, common picture sa Magnolia ang magandang simula. Dito sa Philippine Cup, 6-0 ang panimula.

Pero banderang kapos.

In fairness kay coach Chito, dehins dapat ibaling sa kanya ang lahat ng sisi. Kaya lang, in any league or any team, players win games, coaches lose them.

Kadalasan, coach ang nasisibak.

Kaya eto si LA, ang 41-year-old na Ironman ng PBA (744 consecutive games played), to the rescue.

Dehins bago si LA sa coaching dahil nag assistant na siya sa Gilas and nag head coach sa Gilas boys’ team.

Sabi pa ni Alfrancis Chua, ang hepe ng basketball operations ng lahat ng teams ng San Miguel Corp., it’s up to LA if gusto niya i-retain ang mga assistants ni Victolero or magdala siya ng sarili niyang assistants.

Kasama sa coaching staff ngayon ng Magnolia sila Johnny Abarrientos, Juno Sauler, Tonyboy Espinosa, Mon Jose at Jason Webb, na ginawa namang bagong member ng PBA Board of Governors.

It’s up to LA.