Aktor, na-underestimate ng karelasyon | Pilipino Star Ngayon


May ilang kuwentong prenuptial agreement ang nasagap namin, dahil sa mga nababalitaan nating balak na pagpapakasal.

Hanggang ngayon ay pinag-uusapan ang sinasabing prenup ng celebrity couple na balak daw magpakasal sa ibang bansa.

Ang latest na narinig namin ay okay na raw sila sa prenup na pipirmahan ng magkasintahang ito.

Ito raw kasi ang mahigpit na bilin ng magulang ng lalaki, pero ngayon daw ay type na nila si girl!

Meron namang isa pang showbiz couple, nilinaw daw ng guy bago pa siya mag-propose ay pinahanda na raw niya ang prenuptial agreement.

Siya raw talaga ang nag-suggest na may pipirmahang prenuptial agreement para wala nang masabi.

Ang dating kasi nilang dalawa ay mas malayo ang agwat ni girl kesa kay guy. Nakikita kasi na maraming trabaho si girl at malaki talaga ang kinikita niya.

Si guy daw ay tahimik lang dahil hindi na siya ganun ka-visible. Pero kumikita naman pala ito sa ibang career, at nakapag-ipon naman.

Para malinaw lang daw ay maayos na rin sa kanilang dalawa, siya na ang nag-suggest na magpa-prenup na. Pero si girl daw mismo ang tumanggi. Huwag na raw dahil nakikita naman niyang kumikita pala si guy.

Pero may nakita si guy na hindi maganda kay girl, hindi rin natuloy ang kanilang kasal, at kapag tinatanong si guy kung nagbago ba ang pakiramdam niya ngayon kay girl, posible kayang makipagbalikan siya? Ang tigas daw ng iling ni guy.

Ano kaya ang nakita niya kay girl, kaya hindi na niya itinuloy ang kasal?

Gabby at Kylie, hindi mataas ang umpisa

Nagkasabay-sabay ang pilot episode ng mga bigating drama series ng GMA 7 noong nakaraang Lunes, June 23.

Nagsimula na sa afternoon drama ang My Father’s Wife nina Gabby Concepcion at Kylie Padilla.

Nakakagulat dahil 5.7 percent lang ang rating nito. Kulang ba sa promo?

Mababa ang viewership nung araw na iyun, na sa It’s Showtime ay 5.3 percent lang at 3.2 percent lang ang Eat Bulaga.

Kahit yung ibang malalakas na afternoon drama na Mommy Dearest ay 6.6 percent lang at pumantay pa ang Binibining Marikit na dati’y mababa ito.

Tingnan natin kung mapapataas itong My Father’s Wife, dahil ang pinalitan nitong Prinsesa ng City Jail ay talagang consistent na mataas.

Natapos ito sa 7.3 percent, kaya nakaka-disappoint na iyun lang ang nakuhang rating ng pilot episode ng My Father’s Wife.

Pero noong Martes pala ay medyo tumaas na ang afternoon drama na ito nina Gabby at Kylie, naging 6 percent na ito. Pero mas mataas pa rin dito ang Mommy Dearest at Binibining Marikit.

Kinagabihan naman ay pilot episode din ng Sanggang Dikit nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Okay na rin ang rating nito na naka-8.2 percent at ang katapat na Incognito ay 7.6 percent.

Tingnan natin kung ma-maintain nila dahil patapos na ang Incognito ng ABS-CBN, at talagang pinaganda nila ang mga maaksyong eksena.

Ang susunod na mapapanood natin ay sa Marawi pa nila kinunan, at nakikita sa teaser na talagang matinding aksyon ang ginawa nila.

Pero bago matapos itong Incognito, dapat na purihin talaga si Daniel Padilla na ibang-iba na talaga ang lalim na ipinakita niya sa pag-arte.

Pero sa kanilang mga Incognito leads, pinaka-best actor sa lahat ay si Anthony Jennings at best actress si Maris Racal.

Maraming kaabang-abang sa primetime ng GMA 7 at ABS CBN.

Lalong dumami pa ang tumutok sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab na kung saan binubuo na nila ang makakapasok sa Big 4.