February 26, 2025 | 12:00am
Ahhh kaya diumano nagalit si Sam Milby kay Moira ay dahil pinagkakalat ng singer na nag-sex sila ng actor.
Ito raw ang rason kaya napikon diumano si Sam.
Pero ‘di raw totoong may nangyari sa kanila.
Nauna na ngang nagsalita ang former Pinoy Big Brother housemate na walang third party sa kanilang paghihiwalay ni Catriona Gray. Malalim din ang pahayag ng actor na : “Sobrang close kami before, and I guess people wanted to connect our closeness to may nangyari sa amin.”
Samantala, binato ng water bottle sa kalagitnaan ng kanyang performance sa isang mall show si Moira.
Nag-viral nga ang nasabing video na ini-upload ng kanyang fan habang kinakanta niya ang Paubaya.
Wala namang nasaktan at parang nagulat lang si Moira.
