September 4, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Patuloy ang maigting na preparasyon nina veterans Bryan Bagunas at Marck Espejo kasama ang 21-man pool ng Alas Pilipinas para sa darating na 2025 FIVB Volleyball Men’s World Championship.
Sumalang ang national pool sa isang two-week training camp sa Morocco, Romania at Portugal sa ilalim ni Italian head coach Angiolino Frigoni.
Unang lalabanan ng mga Pinoy hitters ang Tunisia sa pagbubukas ng world championships sa Setyembre 12 sa SM Mall of Asia Arena.
Nagmula si Bagunas sa isang knee injury at kumpiyansang makakalaro sa world meet.
Sa Setyembre 16 ay haharapin ng Alas Men ang Egypt kasunod ang Iran sa Setyembre 18 para sa kanilang mga Pool A assignments.
“We are at the final stages of preparations and we’re happy to say that we’re all set and ready to serve in this hosting,” sabi ni Ramon “Tats” Suzara, presidente ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) at Asian Volleyball Confederation.
