Anak ni Ian De Leon, namana ang mata ni Nora


Tuluy-tuloy pa rin ang matinding pag-ulan kahapon kaya ang daming mga binahang lugar. At lahat ng taping ay na-pack up at hanggang ngayon nga ay hindi pa rin nila itinuloy.

Muntik na nga akong sumalang sa taping ng Family Feud na dapat kahapon ay maglalaro ang mga entertainment press. May ilang hindi natuloy dahil sa mataas na baha sa kanilang lugar. Kaya pinag-isipan nilang ako ang ipalit.

Pero pati pala ang nasa audience ay hindi na rin makakarating kaya na-pack up na rin sila.

Ang isa lang sa maganda kapag ganitong tag-ulan, hindi na lumalabas ang mga tao at nanonood na lang sa telebisyon sa kanilang tahanan.

Tamang-tama noong Lunes ay mataas ang ratings ng mga programang ipinalabas nung araw na ‘yun.

Naglaro ang kids na isa sa pinag-usapan doon online ay ang guwapitong anak ni Ian de Leon na si Jaden Kristoff de Leon. Mataas din ang rating ng game show na ito na naka-10.2 percent.

Buhay na buhay nga ang Noranians sa kapo-post ng mga kuha ni Jaden na sinabi nilang kuhang-kuha raw nito ang mata ni Ate Guy (Nora Aunor) at ang kaguwapuhan ni Christopher de Leon.

Gusto naman ng bagets mag-artista na ang sabi nga niya, “When I grow up, I wanna be an actor just like my whole family.”

Puwede talagang mag-artista ang bagets, pero napaka-Inglesero niya.

Donny at Belle kanya-kanya muna, Ruru ayaw magsalita sa pelikulang tondo!

Gumaganda uli ang viewing level ngayon ng mga programa sa telebisyon, dahil na rin siguro sa madalas na pag-uulan.

Marami pang aabangan dahil may nakukuha kaming balita sa mga sisimulang show.

Meron palang binubuong drama series na pagbibidahan ni Donny Pangilinan, pero hindi raw si Belle Mariano ang kasama?

Ibang-iba raw ito para kay Donny.

Sa nakaraang Eddys awards ay tinanong na rin namin si Ruru Madrid kung tuloy na ba talaga sa kanya ang Hari ng Tondo. Ito na ba ang isusunod niya pagkatapos ng Lolong. “Naku! No comment po muna ako diyan,” natatawang bulalas ni Ruru.

Ang latest kasing narinig namin ay para talaga sa kanya ang magandang project na ito na biglang ibinigay na kay David Licauco. Pero ibinalik daw uli kay Ruru.

Ayaw magsalita ng Kapuso actor dahil hindi pa nga naman na-finalize at inaayos pa talaga ang casting. “Of course I’m very happy na you know, na kino-consider po ako para po sa proyekto na ‘yun.

“For me kasi, alam n’yo naman po siguro kung gaano ko po kamahal ‘yung paggawa ko ng aksyon. Ito po ay passion ko talaga. So, para po mapili at makonsidera, isang malaking karangalan po sa akin.

“For now, ako naman kahit may proyekto man o wala, patuloy ako nagpe-prepare. I always want to challenge myself na you know, magkaroon ng mga bagong skills na puwede ko pang maipakita sa bawat projects na ginagawa ko.

“So, na-excite ako sa mga future plans for me at sa mga gagawin ko pa. But for now, I just wanna enjoy this moment dahil nakatanggap ako ng dalawang parangal mula sa Eddys. Thank you po.

“Grabe! Kasi isipin n’yo, 12 o 13 years na ako sa industriya, at ito pong parangal na ito sa isang proyekto, nakatanggap po ako ng apat na parangal.

“So, isang malaking karangalan po sa akin ‘yun. Pero sabi ko nga, ang mga awards ay hindi lang naman ‘yan basta trophy para sa akin.

“Para sa akin, ‘yun po ay magsisilbing paalala na dapat hindi ako makampante. Dapat hindi ako makuntento,” saad ni Ruru Madrid.

Lalo pa siyang na-inspire dahil sa magandang relasyon nila ni Bianca Umali na kaka-celebrate lang pala nila ng 7th anniversary.

Noong Sabado sila nag-anniversary at kinabukasan ay pinarangalan siya sa The Eddys ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) bilang Box Office Hero at Best Supporting Actor pa mula sa pelikulang Green Bones.

Naka-tie niya rito si Aga Muhlach ng pelikulang Uninvited.

Naniniwala naman si Ruru na lalo pang magiging matibay ang kanilang relasyon ni Bianca dahil sa tinitiyak nilang nasa gitna ang Panginoon sa kanilang relasyon.