Anak ni Ricky, nanghihingi ng respeto sa mga nagkakalat ng photos ng ama sa hospital


Wala na talagang delicadeza ang ibang content creator. Alang-alang sa views, talagang kinakapalan nila ang mukha kahit alam nilang hindi for public consumption ang content nila.

Nakikiusap ngayon ang anak ng namayapang actor na si Ricky Davao sa mga pinayagang bumisita sa ospital habang nakaratay ang kanyang amang actor / director.

Nasa Instagram Story nga ni Rikki Mae Davao sinabi nito na ‘wag naman daw sanang i-post sa social media ang mga larawan o video ni Ricky habang nakikipaglaban pa sa buhay.

“For those that were trusted to visit my dad in the hospital, please do not post photos of him during this time out of respect for his privacy. Thank you,” buong mensahe niya.

Anak si Rikki Mae ni Ricky sa dating misis na si Jackie Lou Blanco.

Ang lala ngayon ng sistema sa social media dahil sa paramihan ng views.

Ahh mapakiusapan kaya ang mga nagkakalat ng photos?

Isa pa naman sa mga artista si Ricky na napakabait. Kahit saan ka makita, lalapit at babati.