Andrea, hitsurang nagparetoke ng mukha


‘Kaloka naman na inaakusahan naman daw si Andrea Brillantes na may pinabago sa kanyang mukha.

Naging usap-usapan daw ang screenshot ng isang eksena sa Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin kung saan kaeksena niya si Andrea.

Hindi nga raw makilala ng mga netizen ang aktres dahil parang may pinabago ito sa kanyang mukha.

Dinepensahan naman ng ibang follower niya na si Andrea dahil mukhang unflattering shot lang naman ang na-post.

Nagkataon lang daw na iyon ang nakuhang eksena dahil professional siya at hindi raw ito nagpapaka-telegenic na dedma siya kahit anong hitsura kalabasan basta nagawa niya ang best niya noh.

Sana nga wala nang ipabago si Andrea sa mukha niya dahil nanguna na siya sa top 100 most beautiful faces list ng TC Candler at The Independent Critics noong 2024.

Well, sey naman ng fans niya ay ang galing daw nito sa Batang Quiapo at hindi raw pabebe kaya deserved talaga nitong mapasama roon.

Bongga.

Ibang kandidato, hindi pa rin kilala

‘Kaloka bongga ang TV ads nina Camille Villar, Benhur Abalos at ilang kandidato.

Nagtataka lang ako bakit hindi gumastos ang iba lalo na nga ‘yung hindi masyadong kilala dahil hindi nakikita nang madalas.

Siyempre si Bong Revilla dati nang kilala, si Benhur Abalos noon pa busy, at ‘yung iba pa.

Or kaya agahan nilang magbigay ng sample ballot para malaman mo ang pangalan ng lahat ng kandidato.

Sayang naman kundi malagay sa puwesto ang isang karapat-dapat na tao.

Naniniwala ako na marami sa tumatakbo ang kayang gampanan ang trabaho nila.

Pero marami namang kandidato na hindi karapat-dapat sa gusto nilang pasuking trabaho.

Ganun lang.

Babu.