Ang Kaptbahay (22) | Pilipino Star Ngayon


Ronnie M. Halos — Pilipino Star Ngayon

February 7, 2026 | 12:00am

MATAGAL nang naka­alis ang babae na nag­ngangalang Teresa ay hindi pa rin makapaniwala si Vince sa natuklasan sa kapitbahay na si John at si Marie.

Natatatandaan niya nang una silang magkakilala at magkausap ni John, nabanggit nito na para raw walang mga tao sa kalye. Tahimik na tahimik daw dito sa subdibis­yon na nilipatan. Tamang-tama raw ang paglipat nila rito ng asawang si Marie.

At sinabi pa ni John na tila walang “marites” o mga tsismosa rito. Idinugtong ni John na ligtas daw sila ni Marie rito.

Ngayon lang napag-isip-isip ni Vince ang sinabi ni John. Ligtas­ sila ni Marie rito dahil hindi sila puputaktihin ng

“marites”. Hindi sila pagti­tsismisan.

Kasi nga “kabit” niya si Marie. Walang makaaalam na nagbabahay siya ng babae.

Muli, nakadama ng awa si Vince kay Teresa.

Nanaig ang pagtulong niya rito.

KINABUKASAN, eksakto sa pagdungaw ni Vince, na­kita niya si John na pumapasok sa gate. Nag-iisa.

(Itutuloy)