August 15, 2025 | 12:00am
Mister nagsalita na
Inamin ng mister ni Angel Locsin na abala nga ang kanyang misis sa online gaming sa kasalukuyan.
Ito ang sinabi ng movie producer na si Neil Arce sa interview ni MJ Felipe ng ABS-CBN sa asawa ng aktres na halos dalawang taon nang namamahinga sa showbiz.
Pero hindi nagbigay ng detalye si Neil kung anong klaseng online gaming, dahil maraming different types ang online games
Basta ayon kay Neil, hindi niya alam kung anong klaseng online gaming ‘yun dahil hindi siya nagtatanong. Suportado raw niya ang misis at alam niyang walang masama sa ginagawa nito.
Ayaw rin daw niya itong tanungin kung gusto nitong magbalik-showbiz matapos ngang mag-post para suportahan ang anak ni Neil na pinasok na rin ang showbiz.
Ayon sa asawa ng actress, hindi siya nagtatanong dahil “‘Cause I know that she is a strong independent woman, I married an alpha queen, and I respect that. Kung ano ang gusto niyang gawin, as long as nasa tama, she has my support.”
Matagal na naming nasulat na nasa video/online gaming nga si Angel, more than a year na. Pagkukumpirma niya: “I think everyone knows that she’s into gaming. She’s taking online classes, and she’s enjoying herself. And we all know her dad just passed away. She’s taking her time. I’m giving her own space to adjust to everything that has happened,” sabi pa ni Neil sa interview ni MJ na inamin ding hindi siya gamer kaya hindi niya alam ang ginagawa nito.
“Basta happy siya. I always ask her, ‘are you happy?’ and alam ko naman kung totoo o hindi, and sabi niya happy naman siya.”
Sabi pa niya na isa ring movie producer, nangunguna ang pagiging asawa niya sa aktres, ang pagiging lover, ang pagka-fan. Pero aniya deep inside ay nami-miss din daw niya itong mapanood sa screen.
Nauna nang nabanggit ng kaibigan niyang si Dimples Romana na detoxified na si Angel sa social media at diumano’y walang sinasagot kahit sinong mga naghahanap sa kanya except her.
Maaalalang nabanggit din ni Dimples sa aming interview na hindi na talaga humahawak ng telepono ang kanyang best friend.
Pero aniya, maligaya ang kanyang kaibigan at ganun pa rin naman ‘pag nagkikita sila, hindi lang naso-social media.
“Very happy siya. I saw her, she felt very light. Nagkukulitan kami. Kumain kami together. Nakikita niya ang mga bata kasi ‘pag dinadala ko ‘yung kids. I’m very happy with how she’s living her life. She’s showing a lot of people that ‘ok, we make choices, and this is my choice. This makes me happy, and you don’t all have to know about it,’” saad pa ni Dimples sa aming interview that time.
Pero pumayat na kaya si Angel? Ang sabi kasi nila, mas nag-gain daw ito ng weight ngayon?