Anne, napaaga ang Pasko sa silip ni Jose Mari Chan!


Anna Pingol — Pilipino Star Ngayon

September 3, 2025 | 12:00am

Nakaka-good vibes ‘yong interaction between Anne Curtis at Jose Mari Chan (JMC) kahapon, Sept. 1, sa dressing room ni Anne sa It’s Showtime. Ang witty kasi ng mga taga-It’s Showtime, pinag-guest nila ang iconic singer bilang pagsalubong sa “ber” months. Hindi nga ba’t ilang taon nang ginagamit si Mr. Chan bilang simbolo ng papalapit na Pasko dahil sa classic song niyang Christmas in our Hearts?

But before the show, literal na sumilip si JMC sa dressing room ni Anne para mag-hi rito. (Yup, gano’n siya ka-polite na bisita). At ‘yong pagsilip niya sa pinto, kamukha no’ng mga meme na naglalabasan ‘pag malapit na ang Pasko – ‘yong ulo at kalahating katawan lang muna ang kita.

Nagkataon naman na naka-live si Anne sa social media habang nagpapa-makeup kaya kitang-kita ang pagsilip ni Mr. Pinoy Christmas.

At grabe ang tili ni Anne nang makita ang amiable singer.

“Oh my God!!!! Pasko na!!!” hirit niya sabay tayo para salubungin ito ng yakap. “I’m so excited to see you perform later.”

“Oh, thank you. Merry Christmas,” sagot naman ni Mr. JMC.

“Merry Christmas! Hahaha!” sagot ni Anne.

At nang makita ni Mr. Chan na naka-live si Anne, humarap pa talaga ito sa camera para mag-hi sa mga nanonood sa Showtime host. Agad namang kinapture at ni-repost ng fans ni Anne ang nasabing video.

Matapos magpaalaman, hindi pa rin natapos ang kilig ni Anne at sabi sa kanyang live: “Oh, my God, sumilip siya. Pasko na!” tili niya pa rin sabay palakpak.

Hindi pa siya nagkasya doon at agad din siyang nag-post sa X (formerly Twitter) ng: “LIVE NA LIVE. I WAS SO KILIIIIG AND DYING! JW LEVELS.”

Sa actual show, inulit nila ang “silip” interaction. Kunwari at nagtago sa likod niya si Mr. JMC at sumilip.

Up to now ay panay rin ang happy reak niya X sa mga nagre-repost ng video at pictures nila ng iconic OPM singer.

Napaaga ang Pasko ni Anne. Sana all. Haha! GV!