Isang linggo na pala kaagad since namaalam sa mundo si Ricky Davao.
Kahapon ay nagbigay ng mensahe ang anak niyang si Ara Davao habang hawak ang urn na laman ang abo ng ama.
Aniya sa post: “Pa, it’s still so hard to believe that you’re gone. Many days will feel empty without you, but I find comfort in knowing you’re now free from pain and suffering. I know it won’t be easy, but I’ll keep trying to live my best life everyday—because that’s what you would’ve wanted.
“It’s been a week since you left us… and a lifetime still to go. I’ll miss you everyday. Rest well and watch over me. Love you, Pa.”
Laging ipinagmamalaki ni Ricky si Ara, lalo na nang mapasama ito sa FPJ’s Batang Quiapo.
“Alam ko naman na he’s very proud sa amin no matter what. Sobrang thankful lang talaga. At now that he’s gone, mas iti-treasure ko ang pagiging proud niya sa akin o sa amin, at ang mga payo niya sa amin,” pahayag ni Ara nang sandali naming nakausap sa wake ng namayapang aktor.
At ang laging sinasabi sa kanya ni Ricky na kilalang mahusay na actor at director na winner din sa pakikisama: “Lagi niyang sinasabi na unang-una talaga, maging professional ka, na maging mabait ka. Kasi sinasabi nga niya sa amin, bilang direktor, na mas gugustuhin niyang makatrabaho with people na kahit hindi pa masyadong magaling, o hindi pa expert, o baguhan, basta nando’n ‘yung willingness, rather than ‘yung feeling mo na magaling ka na.”
Sa ngayon ay may message si Ara kay Coco Martin: “Kaya, Direk Coco, another project naman diyan! Hahahaha!” biro nito.
Anyway, naiuwi na sa kanyang pamilya ang abo ni Ricky, isang linggo matapos itong mamatay sa mga komplikasyon sa cancer.
Bukod kay Ara nakangiti rin ang mga anak ni Ricky na sina Kenneth, Rikki Mae at Justine habang hawak ang urn ng yumaong aktor.
Ang kasalukuyang partner ni Ricky, si Mayeth Malca; ang kanyang dating asawang aktres na si Jackie Blanco, ang ina ng kanyang mga anak na sina Kenneth, Rikki Mae at Ara; at ang dati niyang kasintahan na si Cheryl Singzon, ang ina ng kanyang bunsong anak na si Justine, ay tumabi rin sa mga anak nila.
Andun din sa huling gabi ng wake ang mga pamangkin ni Jackie Lou na sina Janine Gutierrez, Maxine Gutierrez at Jessica Gutierrez, pamangkin na si Diego Gutierrez, at ang kanilang ina na si Lotlot de Leon.
Ganundin ang BF ni Janine na si Jericho Rosales ay nagbigay-galang din kay Ricky.
