September 2, 2025 | 12:00am
Inaabangan na ng netizens ang unang pagsabak nina Donny Pangilinan at Kyle Echarri sa isang action-drama series para sa Roja, kung saan inanunsyo na nitong Lunes (Setyembre 1) kung sino-sino pa ang cast members na makakasama nila sa serye.
Ibang timpla umano ang handog ng Kapamilya heartthrobs na sina Donny at Kyle sa Roja dahil sasalang sila sa ilang action scenes para sa isang nakakaintrigang kwento na ipapalabas ngayong taon.
Inilabas na rin ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment ang “first look” ng star-studded cast na tila nababalot ng misteryo ang kanilang awrahan sa pangunguna nina Donny, Kyle, Maymay Entrata, Janice De Belen, Joel Torre, Raymond Bagatsing, at Lorna Tolentino.
Na-excite rin ang mga manonood dahil inanunsyo na kabilang sa cast ang rising young stars na sina Kai Montinola, AC Bonifacio, Harvey Bautista, Iñigo Jose, at Emilio Daez, kaya’t trending agad ito kahapon.
Makakasama rin sa Roja sina Nikki Valdez, Cris Villanueva, Zia Grace, Freddie Webb, Sandy Andolong, Robert Seña, Levi Ignacio, Rubi Rubi, Inka Magnaye, Vangie Castillo, Sophie Reyes, Rikki Mae Davao, Rans Rifol, Maika Rivera, Lou Yanong, Marc Abaya, Bernard Palanca, Floyd Tena, Raven Molina, at Gello Marquez, mula sa direksyon nina Law Fajardo, at Raymund Ocampo.
