Hindi lang pala sa trailer exciting panoorin ang pelikulang P77 starring Barbie Forteza.
As in patok talaga ang kuwento ng mind-bending horror film ng GMA Pictures na nagkaroon ng premiere night noong Lunes ng gabi.
Magaling nga si Barbie bilang si Luna na nagkaroon ng trauma dahil sa nangyari sa kanyang kapatid.
Nagtatrabaho siya noon sa luxury cruise at ‘di niya kinaya ang naganap sa kapatid na mas bata.
Doon nag-umpisa ang kanyang mga karanasan.
May iba’t ibang layer ang kuwento at nakakagulat ang mga kaganapan sa kuwento.
Saka talagang mahusay si Barbie sa kanyang character na ang bibigat ng mga eksena lalo na nung kasama niya sina Jackie Lou Blanco, Rosanna Roces and Direk Carlos Siguion-Reyna.
Ang husay rin ng kasama niyang child actor na si Euwenn Mikaell.
“Ang aming kwento ay napaka-grounded – ito ay umiikot sa pamilya. Ito ay masusing susubok sa PTSD o Post-Traumatic Stress Disorder. Bukod sa jumpscare, ito rin ay isang kamalayan upang palawakin ang aming pang-unawa sa mga taong may PTSD,” maiksing sabi ni Barbie.
The film is based on a chilling story crafted by Green Bones creators Anj Atienza and Kristian Julao, with the screenplay penned by award-winning writer Enrico Santos and directed by Derick Cabrido, the new generation thrillmaker known for the successful horror flicks he has directed, including the 2023 thriller film Mallari.
Mapapanood ang P77 sa mga sinehan simula ngayong araw, July 30.
