Bayad sa Wawao at SYMS ipinatigil ni Dizon


Mer Layson — Pilipino Star Ngayon

September 6, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinatigil na ni Department of Public Works and Highways (DWPH) Secretary Vince Dizon ang pagbabayad sa mga ongoing projects ng dalawang contractor na una nang isinailalim sa blacklist matapos na madiskubreng ang ilan sa mga flood projects na nakuha ng mga ito ay pawang ‘ghost projects’ lang pala.

Ayon kay Dizon, kabilang sa payments na ipina-hold niya ay ang para sa Wawao Builders at SYMS Construction Trading, na kapwa pinatawan na rin ng lifetime ban upang hindi na makakuha pa kailanman ng kontrata mula sa pamahalaan.

Matatandaang ang SYMS Construction Trading ang nasa likod ng ghost project na binisita ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa Barangay Piel, Baliuag noong Agosto 20.

Ang Wawao Builders naman ang nasa likod ng P96.5 milyong flood control project sa Bulacan, na ininspeksiyon ni Dizon kamakailan.

Una nang sinabi ni Dizon na ang naturang proyekto ay idineklarang nakumpleto na noon pang 2024.

Gayunman, sa isinagawang inspeksiyon sa proyekto ay natuklasang may tatlong linggo pa lamang ito nang simulang ipagawa ng contractor bilang pagkukumahog na maihabol na matapos makaraang pumutok ang isyu hinggil sa mga ‘ghost’ flood control projects. (