October 17, 2025 | 12:00am
Napagkamalang buntis si Bea Alonzo sa mga kumalat na video/photos kasama ang karelasyong si Vincent Co.
Medyo may umbok kasi ang tiyan at parang lumusog ang hitsura ng actress sa TikTok video na kumalat.
Sa nasabing video ay parang gulat din siya sa kanyang staff sa advance celebration ng 37th birthday niya ngayong araw.
Eh para pang sinadya niyang takpan ng bouquet of flowers ang bahaging tiyan niya.
Kaya may tinanungan kami kung buntis nga ba ang actress, pero negative, medyo nagkalaman lang diumano.
Unless, magkakaroon sila ng official announcement tungkol dito.
Saka ibinunyag kasi ni Bea sa kanyang vlog two years ago na na-diagnose siyang may hypothyroidism, na nagiging dahilan ng kanyang pagtaba kaya naniwala kami.
Sabi pa niya that time “I also gained weight so nahihirapan din ako na tumakbo-takbo lalo na kapag lateral. Sumasakit din ‘yung tuhod ko. Aside from having PCOS, I was recently diagnosed with hypothyroidism. So that’s the reason behind my gaining weight,” na ang tinutukoy noon ay ang pagtigil niya sa paglalaro ng tennis – sila pa noon ni Dominic Roque.
Nanghinayang naman ang ibang netizens na hindi pa siya preggy.
Panahon na raw para magkaanak siya.
