Bela, nagkaroon ng brain fog sa London


SHOWBIZ NEW NOW NA! — Boy Abunda — Pilipino Star Ngayon

September 20, 2025 | 12:00am

Halos limang taong nanirahan si Bela Padilla sa United Kingdom. Napansin ng aktres habang nasa London noon na mayroong mga naging pagbabago sa katawan. “I found out that I had a few things while I was in London because I was gaining so much weight without changing my lifestyle. I was working out four times a week. I didn’t change anything in my lifestyle but my dad just passed away. So I thought maybe this is just my body reacting to the sadness and to the stress. But I was like am I emotionally eating? I’m not naman. Since my dad died, I only had one donut like that’s the only bad thing I had. I was like, what’s happening to my body,” pagbabalik-tanaw ni Bela sa YouTube channel ni Karen Davila.

Matatandaang mahigit dalawang taon na ang nakalilipas nang pumanaw ang ama ng aktres. Tatlong buwan naman na ang nakararaan nang magpasyang manatili nang muli sa Pilipinas si Bela. “I started getting checkups when I came back to the Philippines and then just saw that my levels were super off. When I came here, I found out that I had my hypothyroidism,” kwento ng dalaga.

Ngayon ay maayos na ang kondisyon ni Bela pagkatapos ng ilang buwang pagpapagamot.  “I started getting more energetic. I felt like the brain fog was slowly slipping away because I got super forgetful. When I first found out that I had hypothyroidism, talagang the brain fog was so intense. I always hear about this, you walk into the room, into any room and you forget why you went there, that’s very common. Pero ito, I am thinking about it while walking to the room para I won’t forget about it and then I get to the room and I still forget about it. It’s one of the symptoms also. I lost 13 kilos in total. But it took a while, it took six months because I think people only see ‘yung part when you lost weight,” pagbabahagi ng aktres.

Dustin, nagulat na dumami ang fans

Masayang-masaya si Dustin Yu sa ginanap na fan meet event sa isang café sa Quezon City kamakailan. Halos hindi makapaniwala ang dating Pinoy Big Brother housemate na parami na nang parami ang tumatangkilik sa kanya ngayon. “I remember before sa isang restaurant lang kami, 10 lang kami no’n or less than pa nga eh. Never kong na-imagine na magkakaroon ako ng ganitong support from them. Lagi ko ngang iniisip kapag umuuwi ako sa bahay, na grabe ‘yung love na ibinibigay nila sa akin,” nakangiting pahayag ni Dustin sa 24 Oras.

Ngayon ay abala na ang aktor para sa shooting ng pelikulang Love You So Bad mula sa Star Cinema, Regal Entertainment at GMA Pictures.

Isang malaking karangalan para kay Dustin na makapagbida sa isang proyekto na kasama ang kapwa-PBB housemates na sina Bianca de Vera at Will Ashley.

Bilang paghahanda sa bagong pelikula ay kinailangan pang magsagawa ng acting  workshops ang tatlong bida sa pamamahala ni Ana Feleo. “Iba sa pakiramdam na makagawa ako ng isang pelikula. Kung may pasasalamatan ako dito besides sa mga producers, si Ms. Ana talaga. Kasi ang dami niyang naitulong sa amin,” paglalahad ng Kapuso actor.  (Reports from JCC)