Belle, inuulan ng swerte! | Pilipino Star Ngayon


SHOW-MY — Salve V. Asis — Pilipino Star Ngayon

August 19, 2025 | 12:00am

Solid na solid pa rin ang pagiging Kapamilya ni Belle Mariano.

Kahapon ay nagkaroon ng Kapamilya network contract signing ang young actress na first time sa kanyang career.

I mean, simpleng contract signing lang ang laging nagaganap ever since mag-artista siya.

Pero ito ay isang bonggang contract signing ang nangyari kasama ang mga top gun ng ABS-CBN.

At isa sa gagawin niya sa panibagong kontrata, nakatakda siyang maglabas ng album at meron pang birthday concert.

Bukod pa sa pelikula niyang #MeetGreetAndBye kasama sina Piolo Pascual, Joshua Garcia, Juan Karlos and Ms. Maricel Soriano.

Sa nasabing pelikula raw siya nakuha ng bagong pamilya dahil on and off ay parang hindi na raw sila mapaghiwalay. “We actually became sa family,” sabi ni Belle pagkatapos ng kanyang contract signing tungkol sa ginagawa nilang drama film directed by Cathy Garcia-Sampana.

Anyway, isa si Belle sa pinaka-masuwerteng Kapamilya star.

Bukod sa magandang takbo ng career, bagong lipat sila ng bahay.

Ang ganda at very ­modern ang theme ng bahay ng Kapamilya actress base sa post niya sa social media.

Sabagay ang bait kasi niya at tinututukan ng kanyang mommy Katrina.