‘Kaloka naman na iniintriga na naman si Belle Mariano dahil lang sa pagiging fangirl nung housemate na si Shuvee Etrata kay Donny Pangilinan nang pumasok ito sa Bahay ni Kuya kamakailan.
Kumalat daw ang video kung saan natanong si Belle kung ano ang reaksyon niya sa pag-idolize ng Kapuso actress kay Donny na common knowledge na ka-loveteam niya.
Grabe raw kasi ang kilig noon sa actor.
Sagot nga nito ay nakakatuwa at “why not?” daw at si Donny Pangilinan iyon noh.
Na totoo naman na wala namang masama sa pag-fangirl nito na kahit sino naman ay ganun ang magiging reaction pagdating kay Donny.
Ang dami kasing basher na nagbibigay ng malisya at talagang binash ‘yung Shuvee.
Halata ngang unbothered si Belle at wala rin naman siyang dapat ikabahala.
Ang bongga lang na ang simple lang ng pahayag ni Belle pero nadepensahan niya ang lahat sa mga basher.
Lutang nga ang pagka-secure ni Belle sa sarili at ang ganda talaga ng aura niya.
Sa ganda at talino nga naman niya hindi dapat siya ma-insecure.
Napaka-well spoken at genuine nga ng dalaga na talagang deserved na tularan ng kabataan.
At ang ganda ng sagot niya na walang paliguy-ligoy ha.
Habang nagsasalita nga siya ay mapapatingin talaga sa mukha niya dahil isa talaga siya sa may pinakamagandang mukha sa showbiz at ang bait pa.
Sey nga ng mga follower niya ay sana raw ay huwag naman masyadong kapalan ang makeup niya dahil mas lumulutang ang ganda niya tuwing simple lang siya na hindi kailangan ng masyadong kolorete sa mukha.
Wish tuloy ng fans niya ay pumasok din ito sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition bilang houseguest na laging pinag-uusapan ang mga ganap.
Bongga.
