Beteranang film producer na si Digna Santiago, pumanaw na!


Pumanaw na ang veteran film producer na si Digna Santiago.

Si Digna ay kapatid ng sikat ding filmmaker na si Cirio H. Santiago.

Namatay siya sa edad na 81.

Kinumpirma ng anak niyang si Myta Santiago ang pagpanaw ng kanyang ina noong Martes.

“Thanks, mom. You finished your performance with grace and finesse. It’s time for the star to take her final bow. You can rest easy now. Ako na bahala,” sabi ni Myta sa kanyang post.

Matagal ko ring nakasama si tita Digna sa Cinema Evaluation Board (CEB). Kabilang kami sa Board Members noon.

Masarap siyang kausap at maraming kuwento. Mahilig din siyang mang­hingi ng update sa mga kaganapan sa showbiz.

Minsan ay magme-message pa siya at nagtatanong ng resulta halimbawa sa ipinalabas na pelikula.

Kabilang naman sa iprinoduce ni tita Digna na pelikula ay Minsa’y Isang Gamu-Gamo at Emir (pinakahuli na noong 2010).

Bahagi si tita Digna Santiago ng sinasabing film dynasty na kilala sa paggawa ng mga Filipino at international co-production film sa ilalim ng Premiere Productions.

Anak siya ng Premiere producers na sina Dr. at Mrs. Ciriaco Santiago.

Rest in Paradise, tita Digna.