October 9, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Dinungisan ng nagdedepensang University of the Philippines ang malinis na karta ng Ateneo de Manila University matapos ilista ang 83-69 panalo sa UAAP Season 88 men’s basketball tournament kahapon sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Nagtulungan sa opensa sina Francis Nnoruka at Rey Remogat para itaguyod ang Fighting Maroons sa pangatlong sunod na panalo at ilista ang 3-2 record.
Nalasap ng Blue Eagles ang unang talo sa limang salang.
Mahigpit ang naging labanan sa unang dalawang yugto kung saan lamang lang ng dalawang puntos ang UP sa Ateneo sa halftime, 40-38.
Pero biglang nag-init ang opensa ng Fighting Maroons sa third quarter at bigla silang humarurot upang hawakan ang 15-point lead papasok ng fourth canto.
Sinabayan na lamang nila sa puntusan ang Blue Eagles upang makuha ang importanteng panalo.
Sa unang laro, kinapitan ng National University ang bangis ni Jake Figueroa upang itakas ang 56-54 panalo laban sa sa Adamson University.