November 6, 2025 | 12:00am
Hindi makapaniwala si Guava sa mga sinabi ni Tandang Santo na kaya nag-anyong dalagita ang babae ay para naman masubaybayan si Apol na nakatakda palang maging kasintahaan niya.
Paano ito nalaman ng matanda. Wala pa siyang nabalitaan na ganito kahusay mag-interpret ng panaginip at manghula mismo. Nag-iisa yata si Tandang Santo!
“Yun po ang dahilan kaya laging nagtutungo sa bahay ko ang dalagita, Tandang Santo?” tanong ni Apol.
“Oo. Gumamit siya ng kakaibang paraan para ka masubaybayan.”
“Pero hanggang kailan po ito? Ibig kong sabihin, lagi niya akong susubaybayan sa bahay. At saka alam na naman ng dalagita na talagang mahal ko si Guava.”
“Ayaw mo ba na may nagbabantay sa iyo?”
“Hindi naman po sa ayaw pero nag-iisip din po ako sa ginagawa ng dalagita na laging dumadalaw sa aking bahay.”
“Hayaan mo na lang. Iyan ang maipapayo ko.”
Napatango si Apol.
“Wala namang ginagawa sa iyo—o sa inyong dalawa ang babae at ang dalagita kaya, hayaan na lang.”
“Wala pong panganib, Tandang Santo?”
“Wala. Napakasuwerte nga ninyong dalawa.”
Nagkatinginan sina Apol at Guava.
(Itutuloy)