November 5, 2025 | 12:00am
Umugong na naman last week ang rematch nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr.
Well, matagal nang umuugong ‘yan. Pero ang bago dito ay ang pagpasok ng Netflix sa usapan.
Alam naman siguro natin kung ano ang Netlix dahil diyan tayo nanonood ng mga pelikula.
At lately kasi, pati big fights sa boxing or MMA or even other sports eh, ipinapalabas na sa Netflix.
Paldo ang Netflix at kayang maglabas ng pondo para sa big fights gaya ng Mike Tyson vs Jake Paul at lately ‘yung Terence Crawford vs Canelo Alvarez.
At ang kagandahan dito, basta Netflix subcriber ka, libre mo na mapapanood ang laban.
Parang naaamoy ko na tuloy ang katapusan ng PPV or pay-per-view TV kung saan yadba ka pa ng dollars, mula $75 hanggang $100, para mapanood mo nang live at commercial free ang mga laban.
Sana nga at ituloy ng Netflix ang ugong.
If the price is right, lalo na kay Mayweather, matutuloy din ‘yan rematch na ‘yan.
Ten years na po nag-aabang ang mga fans.