November 18, 2025 | 12:00am
“MARAMI pa po akong gustong itanong sa iyo, Tandang Santo kaya kami bumalik,” sabi ni Guava.
“Oo nga po. Pati po ako ay may itatanong din. Pasensiya na po.”
“Ayos lang ‘yun. Lahat naman ng may itatanong ay welcome. Wala namang bayad ang pagtatanong. Sana ay masagot ko ang mga tanong n’yo para hindi sayang ang pagtungo rito. At isipin n’yo na lahat ang itatanong sa akin.”
“Oo nga po Tandang Santo—naka-ready na po lahat ang itatanong namin.”
“Mabuti naman kung ganun. Sige, itanong n’yo na sa akin para masagot ko at nang mapanatag kayo.”
“Tandang Santo, meron po ba talagang tao na ‘lapitin’ ng mga engkanto? Naitanong ko ‘yan dahil sa nangyari sa akin nung nasa high school ako na naligaw ng daan habang pauwi sa amin. Malapit lang ang bahay namin sa school pero naligaw ako. Sabi ni Papa baka nakursunadahan ako ng engkanto.”
“Oo meron talagang tao na ‘gustuhin’ ng engkanto. ‘Yun bang paboritong iligaw ng daan at guluhin o lituhin ang isip. Ikaw ay paborito ng engkanto at… mayroong nagkakagusto sa’yo.”
“Totoo po?”
Tumango ang matanda.
Nangamba si Guava.
“E paano po ang magandang gawin para hindi na ako magustuhan ng engkanto?”
“Magpakasal na kayo ni Apol. ‘Yan ang maipapayo ko.”
Itutuloy