Bubot na Bayabas (124) | Pilipino Star Ngayon


Ronnie M. Halos — Pilipino Star Ngayon

November 19, 2025 | 12:00am

ANG akala nina Apol at Guava ay nagbibiro si Tandang Santo nang sa­bihin nito na ang tanging­ makapipigil­ para hindi ma­­kursunadahan ng eng­kanto si Guava ay mag­pakasal na sila ni Apol.

“Palabiro ka po talaga, Tandang Santo,” sabi ni Guava.

“Oo nga po,’’ sabi naman ni Apol.

“Aba hindi ako nagbibiro. Totoo ang sinasabi ko. Makakaiwas si Guava na makursunadahan ng engkanto at iba pang ‘nilalang’ kung magpapakasal na kayo. Tutal naman at nasa tamang edad na kayo kaya dapat na talaga kayong magsarili. Magpakasal na kayo.Tiyak naman na may stable na hanapbuhay si Apol kaya hindi na kayo magkakaroon ng problema. Tingin ko kay Apol, marami na siyang ipon na pera.”

Napangiti si Apol.

“Tama ba ako Apol?”

Tumango si Apol.

“O sabi ko na’t marami na siyang ipon.”

“Pero gusto po na­ming malaman­ kung ano ang suwerte na naghihintay sa amin ni Guava, Tandang Santo. Di ba sabi mo po, dadaloy ang suwerte sa amin dahil sa babaing napa­naginipan ni Guava at dahil din sa dalagita na madalas namang magpunta sa aking bahay.”

“Ah sa ngayon, hindi ko masasabi kung anong suwerte ang naghihintay sa inyo.”

Itutuloy