Bubot na Bayabas (152) | Pilipino Star Ngayon


Ronnie M. Halos — Pilipino Star Ngayon

December 18, 2025 | 12:00am

Dinaluhan ni Apol si Guava na noon ay nakaupo sa sopa. Maputla si Guava at pinapawisan nang malamig.

Inayos ng upo ni Apol ang asawa.

“Baka nagugutom ka.”

“Hindi naman siguro.”

“Ah baka dahil sa kinain mong mga manibalang na bayabas. Kanina halos na­ubos mo ang bayabas sa tray. Baka napasobra ang kain mo.”

“Pero hindi naman humihilab ang tiyan ko. Talagang nahihilo lang ako at parang hinahalukay ang sikmura. Tapos ay parang maduduwal ako.”

“Ngayon mo lamang naramdaman ‘yan?”

“Noong isang araw pa. Hindi ko lang sinasabi sa’yo.”

“Hindi kaya…”

“Ano, Apol?”

“Hindi kaya buntis ka?”

Hindi sumagot si Guava.

Nag-isip.

At saka tumingin kay Apol.

“Baka nga Apol. Apat na buwan na tayong kasal di ba?”

“Oo.”

“Baka nga pregnant na ako.”

“Mabuti pa punta tayo sa doktor—para makasiguro tayo.”

Nang araw ding iyon, nagtungo sila sa Ob-Gynecologist. Isinailalim sa pregnancy test si Guava.

Hindi sila makapaniwala sa sinabi ng doktora.

“Pregnant ka Guava—three months na. Congrats sa inyong dalawa.”

“Salamat po Doktora. Salamat sa Diyos!” sabi ni Guava.

Hindi mailarawan ang saya na nadama ni Apol. Magiging father na siya.

(Itutuloy)