January 8, 2026 | 12:00am
Binabalikan nina Apol at Guava ang mga nakaraan. Ngayong nagkakaedad na sila, masarap balikan ang nakalipas. Parang kailan lang ay nababahala sila sa mga nangyayaring “misteryo” sa kanilang buhay. Hindi nila alam kung kailan matatapos iyon. Hindi nila alam kung bakit sila ang “pinagpakitaan” ng misteryosang babae at ng dalagita. Hanggang ngayon, malaking katanungan iyon.
“Talagang hindi na nagpakita sa panaginip ang babae, Guava?”
“Hindi na nga. Matagal na,”
“Pati ang dalagita wala na rin?”
“Oo. Sa iyo baka nagpapakita ang dalagita.”
“Hindi rin.”
“Talagang wala na sila.”
Isang umaga niyaya ni Apol si Guava sa bakuran.
“Halika, tingnan natin ang punong bayabas.”
Bumaba sila at tinungo ang malaking puno ng bayabas.
“Aakyat ako at ikukuha kita ng bayabas, Guava.”
Kinabahan si Guava.
(Itutuloy)