August 22, 2025 | 12:00am
“HALIKA inspeksiyunin mo ang kuwarto Guava. Mas mabuting makita mo bago ka magbayad ng deposit,’’ sabi ni Apol.
“Sige, may time pa naman ako.”
Tinungo nila ang Room 5. Sa second floor muna sila nag-inspeksiyon. Binuksan ni Apol ang pinto.
“Pasok ka”.
Pumasok si Guava.
“Maganda. Cute,’’ sabi nito.
“May kama at cabinet ng damit. May aircon.”
“Okey na okey ito Mr. Apol.”
“Halika sa baba.”
Bumaba sila.
Ipinakita ni Apol ang banyo at kubeta. Ipinakita rin ang dirty kitchen at laundry.
“Okey na okey. Wala akong magiging reklamo, Mr. Apol. Magbabayad na ako ng para sa deposit at baka ibigay mo pa sa iba, he-he.”
“Sure kang okey na sa’yo ito, Guava?”
“Sure na sure na ako.”
Nagbayad na si Guava.
“Eto ang susi. Basta may reklamo ka, tawagan mo ako. Eto number ko.”
“Okey Apol. Aalis na ako. Pasensiya na dahil may kakausapin pa ako,” sabi ni Guava at nagmamadaling umalis. Hinabol ng tingin ni Apol pero mabilis na nawala si Guava.
(Itutuloy)