September 6, 2025 | 12:00am
PAGKATAPOS pagmasdan ni Apol ang picture ng dalagita sa kanyang cell phone, naalala naman niya ang sinabi ni Guava na tutulungan siya nito sa paghahanap sa dalagita.
Paano kaya siya tutulungan ni Guava?
Sabi ni Guava, nagkaroon siya ng interes sa dalagita. Gustong malaman kung saan ito nagmula at kung bakit magkamukhang-magkamukha sila. Pupuntahan uli ni Apol si Guava sa Makati. Itatanong niya rito kung paano tutulong sa paghahanap sa dalagita.
ISANG araw nagtungo si Apol sa sari-sari store sa kanto. Mangungumusta siya kay Manang kung nakita uli ang dalagita. Baka may bagong development sa misteryosang dalagita.
Tinungo ni Apol ang sari-sari store. Naroon si Manang. Hindi niya alam ang pangalan nito.
“Kumusta ka Manang?”
“Mabuti naman Apol.”
“May bago bang development Manang?”
“Meron.”
Naging masigla si Apol.
“Ano Manang?”
“Nang magbantay dito ang pamangkin ko noong Linggo, may nakita raw siyang dalagita na naglalakad sa kalsada.”
“Ano raw itsura, Manang?”
“Hindi niya nakunan ng picture dahil luma ang kanyang cell phone. Basta raw maganda ang dalagita. Kakaiba raw ang ganda.”
“Saan naman daw po papunta ang dalagita, Manang?”
“Patungo sa direksiyon ng iyong bahay.”
(Itutuloy)