BUBOT na BAYABAS (62) | Pilipino Star Ngayon


Ronnie M. Halos — Pilipino Star Ngayon

September 16, 2025 | 12:00am

HUMINGI ng paumanhin si Guava sa abala dulot ng tsinelas.

“Pasensiya ka na Apol. Gusto ko lang talagang makita ang tsinelas na sinasabi mo.”

“Wala kang dapat alalahanin, Guava.”

“Gusto ko kasing makatiyak.”

Nagtaka si Apol sa sinabi ni Guava pero hindi na niya pinahalata.

“Bukas dadalhin ko rito ang tsinelas.”

“Salamat Apol.”

“Sana mayroon na tayong mahukay na mahalagang inpormasyon ukol sa dalagita at sa tsinelas.”

“Malakas ang kutob ko na meron tayong mahuhukay, Apol.”

KINABUKASAN, inilagay ko sa shopping bag ang tsinelas at dinala kay Guava.

Pagdating ko sa bahay, naghihintay na si Guava.

“Hindi ka pumasok, Guava?”

“Hindi. Talagang hinihintay kita, Apol.”

Inilabas ko mula sa shopping bag ang tsinelas.

Iniabot ko kay Guava.

Hindi makapaniwala si Guava.

“Eto nga!” sabi niya.

Itutuloy