Cardinals tusok sa Knights | Pilipino Star Ngayon


Russell Cadayona — Pilipino Star Ngayon

October 22, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Wala nang makapigil sa ratsada ng Knights.

Tinusok ng Colegio de San Juan de Letran ang ikaapat na sunod na panalo matapos talunin ang nagdedepensang Mapua University via overtime, 85-82, sa crossover eliminations ng NCAA Season 101 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil Centre sa San Juan City.

Mula sa 0-3 panimula ay umarangkada ang Knights sa apat na dikit para itaas ang baraha sa 4-3 sa Group B.

Tumipa si rookie guard Titing Manalili ng 14 points, 10 assists, 6 rebounds at 1 steal para sa Letran na nakahugot kay Jimboy Estrada ng 20 .

“Sinabi ko na dapat composed lang kami kasi ang Mapua, physical team,” sabi ng Cebuano playmaker na si Manalili na gumawa ng mga crucial plays sa extra period.

Bagsak ang Cardinals sa back-to-back losses para sa 3-4 karta  sa Group B.

Sa ikalawang laro, sumampa sa win column ang Lyceum of the Philippines University matapos takasan ang Jose Rizal University, 78-76.