Carla nakapag-ani na ng kanyang itlog, ife-freeze na


“Surgery a few weeks ago was a success! We were able to extract 2 oocytes and they went straight to the freezer for cryopreservation,” pagbibigay ng update ng actress na si Carla Abellana matapos ang kanyang egg freezing process.

Sabi pa niya: “Back at the clinic for another round/cycle! Let’s do this!”

Kasabay nito, nabanggit niya pa sa nasabing post na maraming mag-asawa raw ngayon ang gusto talagang magkaanak na dumaraan din sa katulad na proseso na kayang ginawa.

“Some couples are young, some are a bit older. Different journeys, different backgrounds, but we all share the same dream,” pagbabahagi pa niya.

At may pakiusap siya : “Prepping for another round of injections and other medication! Hopefully we’ll be able to harvest more and healthier oocytes. Please pray for me?,’ sabi pa niya sa huli.

Matatandaang unang ini-reveal ni Carla last week na nagdesisyon siyang magpa-freeze ng kanyang eggs years years ago na last year lang niya nasimulan.

Dati ay sa abroad nagpapa-harvest ng eggs ang ibang local celebrity.

Si Korina Sanchez ang kauna-unahang celebrity na naalala ko na nagkuwento na nagpa-freeze siya ng eggs upang magkaroon ng anak kahit hindi na siya maaaring mabuntis. At nagkaroon nga sila ng kambal ng mister na si former government official Mar Roxas, sina Pepe and Pilar.

Ang hihintayin na lang ngayon ay kung kailan si Carla magkakaroon ng anak at kung siya mismo ang magdadala ng kanyang magiging anak.