February 23, 2025 | 12:00am
Totoo kayang hiwalay na ang isang young actor sa nanay ng anak niya? Kapwa anak ng celebrity ang couple na ito na nagkaroon ng anak sa mura nilang edad, huh!
Nag-showbiz rin ang guy pero hindi masyadong nagtagal at lumayo muna siya rito. Anak naman ng isang taong involved dati sa news world ang babae.
Kung naging maingay ang resulta ng kanilang kapusukan noon, naging tahimik naman ang umano’y paghihiwalay nila.
Gwapo pa naman ng anak nilang lalaki na mana sa ama.
Gabbi, ikukumpara kay Mavy!
Masusubukang muli ang hosting skills ng Kapuso newbie na si Mavy Legaspi dahil siya ang bagong dagdag na host sa pagbabalik ng Pinoy Big Brother na mapapanood sa GMA simula sa March 9.
Si Mavy ang second Sparkle artist na kabilang sa host ng PBB following Gabbi Garcia na unang inanunsyo.
Hindi na bago ang hosting kay Mavy na naging isa sa hosts ng Tahanang Pinakamasaya at sa Sarap ‘Di Ba? with her mom, Carmina Villarroel at kakambal na si Cassy.
Hmmmm… Need ng kabataan bilang host sa PBB at bagay si Mavy sa napili lalo na’t may edad na rin ang dating hosts ng reality show!