Cignal may tsansa pa sa Quarterfinals


MANILA, Philippines — Marami ang nagulat nang masilat ang No. 3 Cig­nal HD sa No. 10 Galeries Tower sa qualifying round ng 2024-25 Premier Volleyball League(PVL) All-FilipinoConference.

Kaya nahulog ang HD Spikers sa play-in tournament kung saan kaagad ni­lang tinalo ang Capital1 Solar Spikers, 25-21, 22-25, 25-17, 25-15, sa Pool A.

“Siyempre ‘yung opportunity pa rin na makapasok sa quarters,” sabi ni Cignal libero Dawn Macandili-Catindig. “Although it is a challenge na we have to go through the play-in, but that’s the reality na kaila­ngan naming i-accept.”

Sa nasabing panalo ng HD Spikers ay humataw si star hitter Vanie Gandler ng 20 points bukod sa 14 excellent re­cep­tions.

May 18 execellent digs ang 28-anyos na si Macandili-Catindig para sa ka­nilang depensa.

Kumpiyansa si coach Shaq delos Santos na ma­kakasampa ang Cignal sa best-of-three quarterfinals series katapat ang Petro Gazz.

Kailangan na lamang ni­lang talunin ang ZUS Coffee sa Martes sa PhilSports Arena sa Pasig City.

“Maraming puwedeng mangyari and nire-reassure lang kami nila coach (Delos Santos) na there’s still an opportunity na makapasok sa quarterfinals. Kailangan lang namin siyang pag­trabahuhan,” wika ni Ma­candili-Catindig.

Nakatakda ang duwelo ng HD Spikers at Thunderbelles sa alas-6:30 ng gabi matapos ang salpukan ng Chery Tiggo Crososvers at Farm Fresh Foxies sa alas-4 ng hapon.