MANILA, Philippines — Ahh si Claudine Barretto or baka social media administrator niya ang nag-post tungkol sa diumano’y pagganap niya bilang si Vice President Sara Duterte.
Naka-green Filipiniana pa ang controversial VP sa photo na ginamit sa account ni Claudine kung saan posted din ang photo niya na naka-green.
Ang chika kasama diumano at isa si Sen. Imee Marcos sa mga producer nito at ididirek ng controversial director na si Darryl Yap.
But anyway, may resibong ipinakita si Claudine sa nasabing post na pag-uusap nila ni Direk Darryl Yap.
Todo pa ang pasasalamat niya kay Direk at naluluha raw siya “OMG. I’m crying. Love you Direk” sagot niya pa sa message ni Direk nang tanungin nga siya kung interested siyang gumanap na VP Sara.
May possibility kaya itong mangyari after the election bilang paghahanda?
So babalik kaya si Darryl Yap sa paggawa ng controversial movie?
Nakakaloka ang mga kuwentong pulitika sa kasalukuyan.
Dokyu ng batang LGBTQ+, nanalo sa KC
agi ang student dokyu ng National University Dasmariñas, tampok ang kwento ng isang batang miyembro ng LGBTQ+ community na humarap sa pang-aabuso at kung paano niya niyakap ang kanyang tunay na pagkatao sa Class Project Intercollegiate Mini-Documentary Competition 2025 ng Knowledge Channel Foundation Inc. at Philippine Association for Communication Educators (PACE) na eere sa Knowledge Channel simula May 3 (Sabado).
Matapang na ikinuwento ng dokyu na may pamagat na Para Kay Bhie ang madilim na karanasan ng isang batang inabuso noong anim na taong gulang pa lamang siya. Inilahad mismo ng biktima ang kanyang mga karanasan at takot na naramdaman bago ipaalam sa guro, magulang, at kinauukulan ang kanyang masalimuot na nakaraan.
Pitong taon man ang inabot bago makamit ang hustisya at maipakulong ang nanghalay kay “Bhie,” proud niyang ibinahagi na natanggap niya ang pagiging bakla at mas nakilala niya ang kanyang sarili sa paglipas ng panahon.
