Clear daw ang sign ng hiwalayan? Julia, sanay nang wala si Gerald?!


Tila sanay na raw talaga si Julia Barretto na wala si Gerald Anderson.

Ito ang obserbasyon ng iba sa dalawa dahil nga bukod sa hindi na sila nakikitang magkasama, binura na nila ang kanilang recent photos sa kani-kanilang Instagram pages.

May itinira naman pero mga lumang photo na nila.

Hindi kasi ito ang unang pagkakataon na naiisyuhan na naghiwalay na sina Gerald at Julia.

Nakailang beses na pero in the end nagkakaayos naman.

Pero iba raw ang sitwasyon ng magkarelasyon ngayon ayon sa bulung-bulungan.

May mga sign na raw na hindi sila magkakatuluyan. At malinaw raw ang sign.

Altho may nag-iisip naman na baka naman may binabalak lang silang proyekto at isang paraan ‘yun para umingay lalo sila.