September 28, 2025 | 12:00am
Coach na, player pa.
‘Yan ang tinutumbok ni LA Tenorio na ngayon ay head coach na ng Magnolia matapos ang 12 memorable years sa Ginebra.
Sa Oct. 5 na ang start ng PBA Season 50 at rookie year din ni Tenorio sa bago niyang role.
Anya, habang head coach siya ng Hotshots, listed din siya as player at sa ngayon, nasa injury list siya.
Tingin ko, papakiramdaman muna nila kung pwede na siya isalang as playing-coach. Sumasama na raw sa practice.
At kung dumating ang araw na kailangan nila ng point guard, starting or replacement, doon papasok si Tenorio. For now, coach muna.
I’m sure kaya pa naman niya. Kumpara sa ibang guards sa bench, mas maaasahan pa rin si Tenorio.
Sa history ng PBA, tatlo pa lang ang naging playing-coach – si Robert Jaworski, Ramon Fernandez at Norman Black.
Sa tingin ko, mas madali na maging playing-coach ngayon. Bakit kamo?
Ngayon kasi, ang dami na ng assistant coaches sa team. Silipin mo ang bench pag may game, halos kalahati na ng nakaupo eh coaches.
‘Di gaya dati. Isang head coach, isang assistant then masahista at ball boys, swak na.
Kaya kung gugustuhin ni Tenorio, yakang yaka.